Oil companies, magpapatupad ng oil price rollback ngayong araw

by Radyo La Verdad | July 24, 2018 (Tuesday) | 1728

Nagpatupad kaninang alas-sais ng umaga ng rollback ang ilang kumpanya ng langis.

Sa magkahiwalay na anunsyo, magbababa ng hanggang piso kada litro sa diesel ang ilang kumpanya samantalang .70 sentimos naman kada litro sa gasolina.

Bukod dito, magbabawas rin ng P1.25 kada litro sa kerosene.

Kabilang sa mga kumpanyang magpapatupad ng rollback ang Total at Petron.

Tags: , ,