One stop shop para sa PUV modernization, bukas na para sa publiko

by Radyo La Verdad | June 7, 2018 (Thursday) | 2307

Isang one stop shop ang binuksan kahapon ng Department of Transportation (DOT). Hindi na kailangang magpalipat-lipat ng lugar ang ating mga kababayan sa paglalakad ng mga aplikasyon para sa jeepney modernization.

Pinagsama-sama ng DOTr sa iisang lugar ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para sa mas mabilis na transaksyon.

Sa one stop shop pwede maglakad ng mga papeles gaya ng prangkisa at pag apply sa mga bagong ruta ng jeep.

Pwede rin makapagtanong kung paano makakapag loan upang makakuha ng bagong unit ng sasakyan.

Bukas ang one stop shop ng DOTr sa mga sumusunod na araw, ika- 6,14, 22 at 29 ng Hunyo at sa ika-6, 13, 20 at 27 ng Hulyo mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Matatagpuan ang one stop shop sa 16th floor ng Columbia Tower building sa Ortigas Avenue, malapit sa building ng POEA sa Edsa.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,