Operasyon ng mga korte sa Makati, suspindido ngayong araw

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 1497
Mga taga-suporta ni Makati Mayor Junjun Binay, okupado ang lobby ng Makati City Hall

Mga taga-suporta ni Makati Mayor Junjun Binay, okupado ang lobby ng Makati City Hall

Suspindido na ngayon ang pasok at pagdinig sa mga korte sa Makati city ngayong araw.

Napagpasiyahan ni Makati Regional Trial Executive Judge Selma Alaras na suspendihin ang operasyon sa mga municipal at regional trial court sa lungsod dahil sa  pagdagsa ng mga tagasuporta sa city hall kaugnay ng pagsuspinde ng Ombudsman kay Makati City Mayor Junjun Binay.

Ang mga korte sa Makati city hall ay matatagpuan mula sa ika-10 hanggang ika-19 na palapag ng gusali.

Half day naman ang skeletal force ng mga korte.

Tags: , , , ,