Original at revival tracks mula sa kauna-unahang album ng WISHful 5, ipinarinig sa WISHful Journey Concert

by Radyo La Verdad | June 20, 2018 (Wednesday) | 1171

Nagmistulang big stars ang up-and-coming artists na WISHful 5 sa kanilang WISHful Journey Album Launch Concert kagabi.

Dinagsa ng growing fan base nina Ace Bartolome, Carmela Ariola, Louie Anne Culala, Kimberly Baluzo at Princess Sevillena ang The Big Dome para sa kanilang big event pagkatapos ng WISHcovery Season 1.

Dito ay ipinarinig ng mga WISHful ang mga awitin mula sa kanilang first album kabilang ang ilang revival tracks. Inawit din ng mga ito ang kanilang mga bagong singles.

Wala namang pagsidlan ng saya ang WISHful 5 sa naging matagumpay na concert at album release.

Maging sa social media ay pinag-usapan ang event. Umabot sa 4th spot ng Philippines trends list ang #wishfuljourneyalbumlaunch.

Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat ng mga WISHful.

Samantala, ngayon pa lamang ay may mga nakahanay nang susunod na malalaking proyekto para sa WISHful 5.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,