P1 taas-pasahe sa jeep, ipinatupad na simula kahapon (October 8)

by Radyo La Verdad | October 9, 2023 (Monday) | 5074

METRO MANILA – Ipinatupad na ang P1 provisional fare sa mga pampasaherong jeep simula kahapon October 8, .

Ibig sabihin madaragdagan ng P1 ang minimum na pasahe sa jeep mapa-tradisyunal o moderno.

Ang P12 na minimum fare sa tradisyunal na jeep, magiging P13 na.

Habang P15 na ang pamasahe sa modern jeepneys mula sa kasalukuyang P14.

Nauna nang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng provisional fare bunsod ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Tags: ,