P3.4M na halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang pusher sa Parañaque City

by Radyo La Verdad | June 29, 2018 (Friday) | 2153

Sa kuha ng isang cellphone video, makikita ang paglapit ng pulis na nagpanggap na buyer sa kotse na nakaparada sa isang supermarket sa Parañaque City kahapon.

Nang magpositibo ang transaksyon ng iligal na droga, agad lumapit ang iba pang pulis, dito naaresto si Jeah Gicoso alyas Tintin.

Nakuha sa suspek ang labing apat na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 3.4 milyong piso.

Ayon sa hepe ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police, si Gicoso nagsusuplay ng droga sa Metro Manila. Konektado din umano ang suspek sa isang  drug syndicate.

Nakakulong na ang suspek sa Camp Bagong Diwa at nahaharap kasong paglabag  sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,