Pagdinig sa alegasyon kay VP Binay, tinapos na ng Senado

by Radyo La Verdad | May 18, 2016 (Wednesday) | 3301

VP BINAY
Tinapos na ng senado ang mahigit isang taon na imbestigasyon sa mga alegasyon ng kurapsyon laban kay Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV na miyembro ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee, may report na ang komite ukol dito.

Maging ang Office of the Ombdusman ay tinapos na rin ang imbestigasyon dito.

Naniniwala si Trillanes na maaaring masampahan na ng kaukulang kaso si VP Binay pagpasok ng July 1.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,