Pagpapaliban ng 2020 Barangay at SK Elections, pasado na sa Kamara

by Erika Endraca | November 5, 2019 (Tuesday) | 296

METRO MANILA – Pasado na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Mayo.

Sa botong 194 to 6, inaprubahan ng kamara ang House Bill Number 4933 na nag-uurong sa halalan sa December 2022.

Una nang inaprubahan ng senado nitong Setyembre ang kaparehong panukala na nagpapaliban sa halalang pambarangay.

Tags: