Pagpapangalan sa 5 Heneral hinggil sa illegal drugs operation, hindi trial by publicity – Malakanyang

by Radyo La Verdad | July 8, 2016 (Friday) | 360

PANELO
Ilang araw matapos ang talumpati ni President Rodrigo Duterte kung saan pinangalanan niya ang limang opisyal ng Philippine National Police hinggil sa illegal drug trade, naglabasan ang ganitong pahayag sa social media.

Nanindigan naman ang Malakanyang na hindi magsasalita o maghahayag ng mga pangalan si Pangulong Duterte kung wala itong matibay na basehan o ebidensiya.

Dagdag pa ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi pagpapahiya ang ginawa ng Pangulo sa halip ay mabuti itong pagkakataon upang magpaliwanag ang mga inaakusahan na sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi rin ni Panelo na ilalabas rin ang mga ebidensya laban sa limang heneral sa tamang panahon.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: , ,