METRO MANILA – Nakatakda na ang pagre-release ng plastic license cards sa mga motorista pagkatapos ng long holiday kasunod ng lifting ng injunction order mula sa Court of Appeals (CA).
Sa pahayag ni Land Transportaation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, sinabi nito na binigyan na ng direktiba ang mga regional offices na maglabas ng schedules at i-submit ito bukas, araw ng Huwebes (March 27).
Para sa mga karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa mga social media accounts ng LTO para sa listahan ng mga distribusyon ng plastic cards.
Ang mga hindi makakapag-renew sa itinakdang araw ay maaaring ma-expire ang kanilang drivers license.
Tags: Drivers License, LTO
METRO MANILA – Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na mawawala na ang natitira sa kanilang backlogs ng license cards at plaka ng motor vehicles sa darating na buwan ng Hulyo.
Ayon sa ahensya, sapat na aniya ang suplay ng plastic cards para sa drivers license ngayong taon kaya wala nang dahilan upang mag isyu ng mga papel na lisenya at magkaroon pa ng backlogs sa pagri-release nito.
Sinabi na rin ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza kay Pangulong Ferdinand Marcos jJnior sa pulong sa Malakanyang na matutupad ang zero backlogs target sa July 1.
METRO MANILA – Sisimulan na ngayong araw (April 16) ng Land Transportation Office (LTO) ang distribusyon ng driver’s license na naka-imprenta sa plastic cards.
Kahapon (April 15) nai-deliver na sa LTO Central Office, ang karagdagang 1-M suplay ng plastic cards.
Paalala ng ahensya, sundin lamang ang ibinigay nilang schedule para sa renewal ng driver’s license, na nakapaskil sa kanilang official social media accounts.
Nauna nang binawi ng Court of Appeals ang preliminary injunction na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court, na pumipigil sa delivery ng plastic cards sa LTO bunsod ng reklamo ng natalong bidder.
Tags: Drivers License, LTO
METRO MANILA – Gagamitin ng Land Transportation Office (LTO) ang mga camera ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para hulihin ang traffic violators partikular na sa mga pangunahing lansangan sa Maynila.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, gagamitin ang mga videos sa paglalabas ng Show Cause Order (SCO) sa sinomang lumalabag na mga motorista.
Ang mga nakuhang video ng MMDA ay i-tatransmit sa opisina ng LTO para maging basehan ng SCO para mapatawan ng karampatang parusa ang mga traffic violators.