Pagre-release ng plastic license card, naka-schedule na pagkatapos ng long holiday – LTO

by Radyo La Verdad | March 27, 2024 (Wednesday) | 1197

METRO MANILA – Nakatakda na ang pagre-release ng plastic license cards sa mga motorista pagkatapos ng long holiday kasunod ng lifting ng injunction order mula sa Court of Appeals (CA).

Sa pahayag ni Land Transportaation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, sinabi nito na binigyan na ng direktiba ang mga regional offices na maglabas ng schedules at i-submit ito bukas, araw ng Huwebes (March 27).

Para sa mga karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa mga social media accounts ng LTO para sa listahan ng mga distribusyon ng plastic cards.

Ang mga hindi makakapag-renew sa itinakdang araw ay maaaring ma-expire ang kanilang drivers license.

Tags: ,