Pamamahagi ng Pantawid Pasada fuel cards, pinalawig pa ng LTFRB hanggang ika-15 ng Disyembre

by Radyo La Verdad | November 30, 2018 (Friday) | 2071

Pinalawig pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng Pantawid Pasada fuel cards sa mga jeepney driver at operators hanggang sa ika-15 ng Disyembre.

Ayon sa LTFRB, layunin nito na bigyan ng sapat na panahon ang mga operators na makapagsumite pa ng kinakailangang papapeles. Kahapon na sana ang deadline ng pamamahagi ng fuel cards na naglalaman ng limang libong piso.

Sa datus ng LTFRB sa 180 libo na operators na may lehitimong prangkisa, 66 libo palang ang nakakakuha ng kanilang fuelcards simula noong Setyembre.

Ang Pantawid Pasada Program ay tulong ng pamahalaan sa mga driver at operator na naapektuhan ng pagtaas sa presyo ng pruduktong petroyo dahil sa pagpapatupad ng TRAIN law.

 

Tags: , ,