Pamimigay ng Pantawid Pasada Fuel cards, itutuloy sa ika-19 hanggang ika-20 ng Oktubre

by Radyo La Verdad | October 19, 2018 (Friday) | 2773

Tuloy ang pamimigay ng Pantawid Pasada Fuel cards sa buong bansa hanggang bukas, ika-20 ng Oktubre.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), ang mga kukuha ng fuel vouchers ay kailangan lamang na magdala ng valid ID, kopya ng CPC at photocopy ng kanilang OR at CR at makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng LTFRB.

Hinihikayat ng DOTr ang mga operator at mga tsuper ng mga pampasaherong jeep na may lehitimong prangkisa na kunin ang kanilang fuel cards.

Ang pondo ng subsidiyang ito ng pamahalaan ay mula sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

 

Tags: , ,