Pang. Duterte, inutusan si Sec. Duque na paigtingin ang immunization program kontra tigdas

by Radyo La Verdad | February 7, 2019 (Thursday) | 1792

Manila, Philippines – Inutusan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque na paigtingin ang immunization program kontra tigdas.

Kasunod ito ng measles outbreak sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila, mga bahagi ng Luzon, Central at Eastern Visayas.

Nagpatulong na rin ang Department of Health upang mapaigting ang information dissemination hinggil sa immunization program ng pamahalaan.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , , , ,