Pangulong Duterte, itinalagang bagong BuCor Chief si BJMP Mimaropa Regional Director Gerald Bantag

by Erika Endraca | September 18, 2019 (Wednesday) | 3906
PHOTO : PNA

MANILA, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal niyang pinili si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Mimaropa Regional Director Jail Senior Superintendent Gerald Bantag upang humalili sa nabakanteng posisyon ni dating Bureau Of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Naniniwala ang pangulo na alam ni bantag ang nararapat gawin sa BuCor at New Bilibid Prison.

Ito ay kahit may kinakaharap na mga kaso sa korte si Bantag kaugnay ng pagsabog sa Parañaque city jail noong 2016 kung saan 10-inmates ang nasawi at siya pa ang warden noon.

Samantala, kaugnay naman ng mga sumbong ni PDEA Director General Aaron Aquino na patuloy na operasyon ng iligal na droga sa BuCor, sinabi ng pangulo na dapat mayroong ebidensya kaugnay nito.

Aminado rin ang punong ehekutibo na hindi madali ang pagresolba ng katiwalian sa national penitentiary.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: ,