Panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad ng ilang kumpanya ng langis

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 1337

GASROLLBACK 031615

May sa panibagong oil price roll back na ipinatupad ng ilang oil companies.

Simula kaninang madaling araw, binawasan ng Shell, Seaoil, Flying-V, Petron, Caltex at PTT ang P1.10 per liter ang presyo ng gasolina; 90-centavos sa kerosene habang 95-centavos sa diesel.

Ngayong umaga, sumunod na rin sa kaparehong oil price decrease ang Phoenix Petroleum habang ang Eastern Petroleum ay P1.20 per liter ang ibababa sa diesel at gasolina.

Sa kabila naman ng panibagong bawas-presyo, balak ng grupong Piston na magsagawa ng nationwide protest ngayong araw para batikusin ang umano’y overpricing sa lokal na merkado kahit sobra naman ang supply nito sa world market.

Tags: , , , , ,