Paris Agreement on Climate Change, niratipikahan na ng Senado

by Radyo La Verdad | March 15, 2017 (Wednesday) | 2402


Niratipikahan na ng Senado ang Paris Climate Change Agreement.

Sa nominal voting kahapon 22 senador ang bumoto ng pabor, walang tumutol at nag-abstain.

Nakasaad sa tratado na magtutulungan ang mga bansa na maibaba sa one-point-five degrees celcius ang global warming limit sa pamamagitan ng Paris agreement gamit ang Renewable Sources of Energy.

Dahil sa pagratipika ng Senado sa kasunduan mabibigyan na ng pondo ang Pilipinas simula sa 2020 para sa paglaban sa climate change.

Tags: , ,