Pasok ng mga empleyado sa Senado at Korte Suprema, sinuspinde na

by Radyo La Verdad | July 17, 2018 (Tuesday) | 2859

Sinuspinde na ng Senado ang kanilang pasok dahil sa malakas na ulan dulot ng Bagyong Henry.

Sa text message ni officer-in-charge Sen. Gregorio Honasan, sinabi nito na maraming lugar ang lubog na sa baha.

Kinansela na rin ni acting Chief Justice Antonio Carpio ang trabaho sa Korte Suprema simula rin ngayong tanghali.

Ipina-uubaya naman niya sa presiding at executive justices sa Metro Manila ang pagdedesisyon kung susupindehin na rin ang pasok ng kanilang nasasakupan.

Samantala, wala pa namang inilalabas na work suspension ang House of Representatives.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,