Pasok sa ilang lugar sa Caraga Region, suspendido ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 20, 2018 (Tuesday) | 3978

Sinuspendido na ang pasok ngayong araw sa ilang paaralan sa Caraga Region bilang paghahanda sa Bagyong Samuel.

Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa:

Butuan City

Surigao City

Cabadbaran City

Lingig, Surigao del Sur

Surigao del Norte Province

Wala namang pasok ang pre-school sa buong probinsya ng Agusan del Sur.

Pre-school to elementary naman ang sakop ng cancellation ng klase sa Dinagat Islands, Cantilan Surigao del Sur at Carrascal Surigao del Sur.

Habang pre-school to high school naman ang walang pasok sa  at probinsya ng Agusan del Norte.

Tags: , ,