Pasok sa mga opisina sa pamahalaan at pribadong sektor sa NCR sa April 28, sinususpinde ng Malakanyang dahil sa ASEAN Summit

by Radyo La Verdad | April 21, 2017 (Friday) | 1108


Sinususpinde ng Malakanyang ang pasok sa mga opisina sa pamahalaan, pribadong sektor at gayundin sa mga paaralan sa lahat ng levels sa Metro Manila sa April 28 batay sa Memorandum Circular Number 18.

Ito ay upang bigyang daan ang idaraos ang 30th Association of Southeast Asian Nations o ASEAN summit at related meetings.

Sa April 27 naman, idineklara rin ang work suspension sa government offices para sa mga lungsod ng Manila, Makati at Pasay.

Samantala, ipinauubaya naman na sa mga lokal na pamahalaan at mga employer kung sususpindihin pa rin ang trabaho sa April 29.

April 24 hanggang 30 isasagawa ang ASEAN Summit at iba pang kaugnay na pagpupulong sa Metro Manila.

Tags: , , , , , ,