PBBM, nakukulangan pa sa kanyang mga nagawa

by Radyo La Verdad | July 25, 2023 (Tuesday) | 4893

METRO MANILA – Hindi pa kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nagawa niya sa unang taon sa pwesto.

Ayon sa pangulo, bagamat marami rami na siyang naisakatuparan, naniniwala siyang malayo pa ang kanyang tatakbuhin para maisaayos ang Pilipinas at ang buhay ng mga Pilipino.

Nakatada rin aniyang idetalye ng mga cabinet secretary ang mga polisya na gagawin para magawa ang lahat ng ito.

“There so match we have to go through I think we go in but we have post SONA interviews, the details secretaries will do, happy? Kulang pa, ano kulang, lahat kulang.” ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Tags: ,