Philrem messenger, pinadalhan na ng subpoena ng Senado para dumalo sa ika-6 na pagdinig ng $81M money laundering activity

by Radyo La Verdad | April 19, 2016 (Tuesday) | 1204

SENATE-HEARING
Inaasahang sisiputin na ni Mark Palmares, ang Philrem messenger na nuong nakalipas pang pang-apat at panglimang pagdinig pinapupunta ng Senate Blue Ribbon Committee upang tumestigo sa pinakamalaking money laundering activity sa kasaysayan ng bansa matapos itong i-subpoena ng Senado.

Si Mark Palmares, ang philrem messenger na umano’y kasama ni Salud Bautista na nagdeliver ng personal sa isang Weikang Xu ng halagang 600 Milyong piso at 18 Milyong dolyar sa Solaire.

Itinuturing na key witness ng senado si Palmares dahil magkakontra ang pahayag nina Salud Bautista at Kim Wong.

Ang Philrem ang remittance company na ka-transaksyon ni Maia Deguito upang palitan ng piso ang 81-Million dollar laundered money at i-deliver sa mga junket operator sa casino.

Una nang sinabi ni Salud Bautista, ang chief executive officer ng Philrem na dineliver nitong personal ang halaga ng salapi kay Weikang Xu subalit kinontra naman ito ni Kim Wong at Maia Deguito.

Hindi din binanggit noong una ni Salud sa pagdinig ang mga nangyaring bigayan ng pera sa bahay mismo ng mga Bautista na si Kam Sin Wong pa ang unang naghayag.

Ayon kay Kim Wong, 17 Milyong dolyar ang unaccounted pa at hawak pa umano ng Philrem.

Noong pang-apat at panglimang pagdinig, idinahilan ni Salud Bautista na hindi nakapunta si palmares dahil may sakit umano subalit hindi naman ito pinaniwalaan ng Senado.

Ngayon, inaasahan din nating masasagot ang katanungan ng Senado kung magkano pa ang halagang maaaring mabawi sa mga casino at pagcor upang maibalik sa Bangladesh government ang bahagi ng 81-million US dollars na ninakaw ng mga hacker sa kanilang account sa New York Federal Reserve Bank.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,