PHLPost, nagbukas ng ika-10 Postal Counter sa isang mall sa Las Piñas

by Radyo La Verdad | September 26, 2018 (Wednesday) | 4288

Binuksan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang pinakabago nitong Postal Counter sa SM Government Services Express (GSE) South Mall, Las Pinas noong Biyernes, Setyembre 21, 2018.

Pinangunahan ng kinatawan ng SM South Mall at ng ahensiya ng gobyerno ang pagbubukas ng GSE.

Ang hakbang na ito ay upang mapalawig ang pag-aabot ng serbisyo ng gobyerno sa publiko.

Ilan sa mga ahensiya na kasama ng PHLPost ay ang Government Service Insurance System (GSIS), Land Transportation Office (LTO), at Bureau of Immigration (BI). Ang mga sangay ng gobyernong ito ay bukas mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ang ika-10 Postal Counter ng PHLPost ay matatagpuan sa Lower Ground Level, malapit sa Casa Medica ng SM Southmall, Las Piñas.

 

Tags: , ,