Pilipinas wala pang kaso ng Omicron Subvariant XBB – DOH

by Radyo La Verdad | October 14, 2022 (Friday) | 6424

METRO MANILA – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pang naitatalang kaso ng Omicron Subvariant XBB sa Pilipinas.

Ang bagong variant ay pinagsamang BA.2.10.1 sublineage at BA.2.75 sublineage kung saan ito ay unang na-detect sa Singapore at Bangladesh.

Base sa preliminaries studies, ang Omicron subvariant XBB ay nagpapakita ng mas mataas na immune evasion ability kumpara sa BA.5.

Sa ngayon, nagsagawa na ang DOH ng surveillance at monitoring sa bagong variant. Muli namang hinimok ng DOH ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

Tags: ,