‘Pinaslakas Special Vaccination Day’, kinansela ngayong araw sa mga lugar na apektado ng bagyo

by Radyo La Verdad | September 26, 2022 (Monday) | 9595

METRO MANILA – Kinansela ng Department of Health ang ‘Pinaslakas Special Vaccination Day’, sa mga lugar na apektado ng bagyong Karding.

Ngayong araw sana, September 26, ang kick-off ng 5-day na special vaccination drive.

Layon ng programa na mapataas ang COVID-19 vaccine booster uptake sa bansa, na sa kasalukuyan, ay nasa 19 million pa lamang.

Malayong-malayo sa 72.9 million na bilang ng mga fully vaccinated sa bansa.

Tags: ,