Pinto ng tren ng LRT 1, pinuwersang buksan ng isang pasahero kaya nagkaproblema – LRMC

by Radyo La Verdad | November 29, 2017 (Wednesday) | 1728

Viral sa social media ang facebook post ni Jason Ibe kung saan makikitang bukas ang pinto ng isa sa mga bagon ng tren ng LRT Line 1 habang bumibyahe kagabi mula sa Vito Cruz hanggang Quirino Station noong Lunes ng gabi.

Paliwanag ni Rod Bulario, ang Director for Operations ng Light Rail Manila Corporation, pinuwersa ng isang pasahero na buksan ang pintuan ng tren kaya nasira ang sensor.

Ayon kay Bulario, naayos naman agad ang problema  pagdating sa Quirino Station .

 

 

Tags: , ,