Planong remittance holiday, dapat pagisipang mabuti ng mga ofw—Malacanang

by Radyo La Verdad | August 26, 2015 (Wednesday) | 975

COLOMA
Hindi hahadlangan ng Malakanyang ang plano ng mga Overseas Filipino Worker na magsagawa ng remittance holiday sa August 28.

Itinuloy pa rin ang plano sa kabila na ipinatigil na ni Pangulong Benigno Aquino the third ang random inspection ng Bureau of Customs sa mga balikbayan box.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, iginagalang ng Malakanyang ang karapatan ng mga ofw na magpahayag ng saloobin.

Gayunman, umaasa ang Palasyo na pagiisipang itong mabuti ng mga ofw bago isagawa.( Nel Maribojoc / UNTV News)

Tags: