PNP Chief Dela Rosa, pinangunahan ang 115th Police Service Anniversary sa Camp Bado Dangwa,La Trinidad, Benguet

by Radyo La Verdad | September 2, 2016 (Friday) | 1866

grace11
Pinangunahan ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagdiriwang ng ika- 115th Police Service Anniversary sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Mainit na sinalubong si Dela Rosa ng Police Regional Office Cordillera sa pangungunguna ni Regional Director PCSupt. Elmo Francis Oco Sorona.

Sinuutan pa ng tradisyunal na native costume ng mga taga Cordillera si Dela Rosa.

Kabilang sa programa ang awarding of medals sa ilang PNP personels, kasunod ang pagbibigay ng mensahe ng PNP Chief.

Pagsusunog ng mga nakumpiskang marijuana sa pamamagitan ng pinag-iting na kampanya laban sa iligal na droga, katuwang ang pdea, narcotics group at ilang local government officials.

Gayundin ang turn over ng mga bagong sasakyan ng PNP at ground breaking ng sinagtala building.

Magkakaroon rin ng open forum ang Chief PNP sa ilang local executives at mga sumukong drug personalities.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,