PNP pinaghahandaan na ang ikalawang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

by Erika Endraca | June 6, 2023 (Tuesday) | 24169

METRO MANILA – Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa darating na July 24.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa National Capital Region Police Office na siyang magiging punong abala sa nasabing aktibidad.

Nakipagpulong na rin aniya ang PNP sa mga organizer ng isasagawang rally sa araw mismo ng SONA.

Tiniyak naman ni Acorda na magpapakalat sila ng sapat na bilang ng mga pulis upang matiyak ang seguridad sa buong bansa.

Sa ngayon, wala rin umano  silang natatanggap na seryosong banta sa ikalawang SONA ng pangulo.

Tags: ,