Pondo para sa Bangsamoro Region, kailangan nang hanapan ng Kongreso – Sen. Pimentel

by Radyo La Verdad | July 27, 2018 (Friday) | 1863

Pinasalamatan ng mga senador si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda upang maging ganap na batas ang Bangsamoro Organic Law.

Ayon kay Senate Subcommittee on BBL Chairman Juan Miguel Zubiri, kailangan nang paghandaan ng Commission on Elections (Comelec) ang plebisito gayundin ang magiging pondo nito kahit ito ay kasabay na rin ginagawang paghahanda sa 2019 midterm elections.

Para kay Senator Win Gatchalian, dapat  magsilbi itong inpirasyon sa ibang armadong grupo.

Dapat na aniyang umaksyon sa usapang pangkapayapaan ang  ang CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Senator Koko Pimentel, sa pagpapasa ng BOL, dapat na ring maghanap ng pondo ang Kongreso para sa itatatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,