Pondo para sa fuel subsidy, pinoproseso na ng DBM

by Radyo La Verdad | September 5, 2023 (Tuesday) | 9214

METRO MANILA – Pinoproseso na ng Department of Budget and Management (DBM), ang paglalabas sa P3-B na pondo para sa fuel subsidy.

Ayon sa DBM, kahapon ( September 4) lang nila natanggap ang special allotment release order at notice of cash allocation mula sa Department of Transportation (DOTr).

Kahapon (September 4) lang din anila natanggap ang joint memorandum circular at  memorandum of agreement

Tinatayang nasa 1.36 million na mga operator at driver ang makikinabang sa ayuda.

Tags: , ,