Posibleng kinaroroonan ng Cessna 206, ibinigay ng Philippine Space Agency

by Radyo La Verdad | February 10, 2023 (Friday) | 1882

METRO MANILA – Naglabas na ang Philippine Space Agency (PSA) ng detalye ng posibleng kinaroonan ng nawawalang Cessna plane 206.

Ayon sa ahensya posibleng nasa bulunduking malapit sa Maconacon Isabela ang nawawalang eroplano.

Agad itong pinuntahan ng mga searcher-rescuer subalit walang nakitang aircraft.

Ngayong araw (February 10, 2023) ay magtutungo ang 27 miyembro ng PNP-SAF at 10 firefighters upang makatulong sa onground search.

Nakahanap na rin ang incident management team o IMT Isabela ng mga scent-tracking dogs para makatulong sa search operations.

Tags: ,