Pres. Duterte, pinalawig ang termino ni PDG Ronald Dela Rosa bilang PNP Chief

by Radyo La Verdad | December 14, 2017 (Thursday) | 1882

Nakatakdang magretiro sa January 2018 si Philippine National Police Chief Police Director General Ronald Dela Rosa. Ngunit nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili muna sa kaniyang pwesto ang PNP Chief.

Kaya naman ayon sa Pangulo, bibigyan niya ito ng  dalawa hanggang tatlong buwang extension upang i-accomplish ang pinatututukan sa police official partikular na sa suliranin sa iligal na droga, kriminalidad at terorismo sa rehiyon ng Mindanao.

Pagkatapos nito, itatalaga na niya si Dela Rosa na maging pinuno ng Bureau of Corrections o BuCor na anito’y marami ring suliraning kinakaharap.

Wala pang binanggit ang punong ehekutibo na papalit sa pwesto ng PNP Chief. Aminado naman si Dela Rosa na pressured siya sa pinagagawa sa kaniya ng punong ehekutibo.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,