Manila, Philippines – Nagtaas ng 5-Piso kada kilo ang presyo ng asukal sa ilang pamilihan sa Quezon City.
Pero ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA) walang dahilan upang magtaas ang presyo ng asukal dahil sapat naman ang suplay nito sa bansa.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) dapat ay nasa 50-55 Pesos kada kilo lamang ang Suggested Retail Price (SRP) ng puting asukal. Habang nasa 40-45pesos ang brown sugar.
Pero sa Mega Qmart ibinebenta ng 60pesos kada kilo ang puting asukal, habang 48-pesos ang brown sugar.
Tumaas rin ang presyo ng asukal sa Tandang Sora Market, kung saan 58 pesos ang puti, habang 42 pesos ang brown sugar.
Ayon sa SRA, hindi dapat tumaas sa 50 pesos ang kada kilo ng puting asukal dahil nasa 29 pesos lamang ang millgate price nito.
Kapag pinatungan ng delivery cost, dapat ay papatak lamang anila sa 48 pesos ang per kilo ng asukal.
“There is absolutely no reason for prices of sugar to spike at this particular time ang mill gate prices or the farm gate prices of which our producers are selling their sugar right now has remained at the same level since maybe about two months ago” ani SRA Board Member Emilio Bernardino Yulo.
Sa ngayon ay ini-imbestigahan na ng SRA at Department of Agriculture (DA) kung may ginagawang manipulasyon ang mga trader at retailer sa presyo ng asukal kaya ito nagmahal.
Patuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng DTI sa umano’y pagsasamantala ng ilang negosyante.
Ayon kay DTI undersecretary for consumer protection group, Ruth Castelo pinadalhan na nila ng sulat ang mga tindahang nagbebenta ng asukal sa mas mataas na presyo.
“We issued letters of inquiry sa retail na nakikita namin na above 55 pesos na sugar tinatanong namin kung bakit syempre nagiinquire kami yung sources talaga ang gusto nating madiscover kasi probably there is truth talaga na mina-manipulate ng traders or retailers yung presyo”
pahayag ni DTI Usec. for Consumer Protection Group, Ruth Castelo .
Samantala sakaling mapatunayan na mayroong manipulasyon sa presyo ng asukal, posibleng maharap sa paglabag sa price act at economic sabotage ang mga personalidad na sangkot ayon sa DA.
(Joan Nano | Untv News)
Tags: asukal, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, SRA
METRO MANILA – Natataasan parin ang Sugar Regulatory Administration (SRA) sa presyo ng asukal sa merkado.
Base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA) sa ilang palengke sa Metro Manila, umaabot parin sa P110 ang kada kilo sa puting asukal habang hanggang P95 naman ang washed at brown.
Ayon kay Pablo Azcona, ang representante ng sugar planters sa SRA board, bumaba na sa P60 ang benta nila sa kada kilo ng raw sugar mula nang ianunsyo ang sugar importation.
Hinala ni Azcona, posibleng may nagmamanipula sa presyo ng asukal kung hindi ramdam sa mga palengke ang pagbaba ng presyo.
Ayon kay Azcona, posibleng sa susunod na linggo ay payagan na nila na mailabas sa merkado ang bahagi ng mga inangkat na asukal.
Nasa 58,000 metriko tonelada na ang dumating sa bansa sa 440,000 metric tons ang inaprubahang angkatin ng pamahalaan.
Para naman sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), dapat ay P70 lamang ibenta ang imported na asukal.
Mas makabubuti anila kung lagyan ito ng Suggested Retail Price (SRP). Ayon sa DA, isa ang asukal sa nagpapataas ng inflation.
(Rey Pelayo | UNTV News)
Umabot sa 100 libong metriko tonelada ng sibuyas ang nasayang noong 2022 base sa datos ng Department of Agriculture. Katumbas na ito ng 35% ng kabuoang ani sa buong taon.
Ayon sa D.A., ito’y dahil sa hindi maayos na paghawak sa produkto at kakulangan din ng cold storages o imbakan.
“Doon po sa farm mismo, doon palang po pag ‘di maganda ang panahon meron na pong loss doon. Kung hindi po maganda ang pagka handle halimbawa binabalagbag po ‘yung mga sibuyas meron din po yung loss,” ani Diego Roxas, Spokesperson, BPI.
Ilulunsad naman ng D.A. ang Optimization and Resiliency in the Onion Industry Network (ORION) program.
Kabilang sa mga stratehiya na nakapaloob sa programa ay pagbibigay ng easy access credit loans sa mga magsasaka at iba pang onion stakeholders.
Plano rin ng kagawaran na isulong ang pagbuo ng national information database upang masiguro ang updated at iba pang importanteng datos sa produksyon at pagbebenta ng sibuyas.
Ayon sa BPI, ngayong 2023 ay naglaan ang pamahalaan ng 240 million pesos para sa pagtatayo ng cold storage sa mga lugar na itinatanim ito.
Isa sa pinakamaraming nagtatanim ng sibuyas ay sa Occidental Mindoro. Nangangailangan din sila ng dagdag na cold storages para maiimbak ang kanilang mga aanihing sibuyas.
Ayon sa acting provincial agriculturist na si Alrizza Zubiri, ang kanilang lalawigan na kayang mag supply ng halos kalahati ng pangangailangan ng buong Pilipinas sa isang taon.
Umaabot sa mahigit sa 90 thousand metric tons ang kanilang produksyon ng sibuyas.
“As per computation po, around 40% ay kaya nang i-supply ng Occidental Mindoro. That is for more than 7,000 hectares area of production,” pahayag ni Alrizza Zubiri, Acting Provincial Agriculturist, Occidental Mindoro.
Kung maiiimbak aniya ng maayos ang mga sibuyas ay nasa P200 lamang kada kilo ang pinakamataas na maaaring maging presyo nito sa panahong walang tanim.
“Sana i-prioritize muna itong nasa cold storages outside our province ay ma-prioritize muna ‘yung mga local producers na makapaglagay ng mga sibuyas sa kanilang cold storages,” dagdag ni Alrizza Zubiri, Acting Provincial Agriculturist, Occidental Mindoro.
Rey Pelayo | UNTV News
METRO MANILA – Muling ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kung bakit kinakailangang mag-angkat ng asukal ang bansa.
Ayon kay PBBM, kinakailangang magkaroon ng 2-month sugar buffer stock ang Pilipinas upang hindi magkaroon ng shortage at matiyak na hindi tataas ang presyo nito sa merkado.
“We are beginning to rationalize this buying schedule, the importation schedule, so that we will match the crop here of the local producers of sugar. Para hindi naman tayo nagpapasok habang mababa ang presyo ng asukal, so para mag-normalize naman ‘yung presyo” ani Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Kaugnay nito, inirekomenda na ng department of Agriculture at Sugar Regulatory Administration ang pagaangkat ng 450,000 metric tons ng asukal.