METRO MANILA – Maaaring itaas sa P3-P4 ang presyo ng bigas sa mga palengke base sa pagtaya ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).
Ipinahayag nI SINAG Chairman Rosenda So, ito’y dahil nasa P1.50 ang itinaas ng presyo ng palay.
Ayon naman sa Department of Agriculture (DA), ang pagtaas ng presyo ng palay ay makabubuti sa mga magsasaka dahil makababawi na ito sa kanilang mga ginastos.
Sa ngayon ay namimili din ng palay ang National Food Authority (NFA) pero nasa P19 lamang ito kada kilo at kailangan ay tuyo na.
Ayon sa DA, ang mga lugar na hindi masyadong pinapasok ng mga trader ang maaaring mapagbilhan ng mga palay para iimbak.
Dagdag pa ng ahensya, sa ngayon ay may sapat naman na supply ng bigas ang bansa lalo na’t maluwag naman ang importasyon nito.
Samantala noong 2022 ay lumampas sa 3 milyon tonelada ng bigas ang inangkat ng bansa.
(Rey Pelayo | UNTV News)