Presyo ng mga produktong petrolyo, muling tataas ngayong araw

by Radyo La Verdad | July 3, 2018 (Tuesday) | 2678

Pagkatapos ng big time oil price rollback noong nakaraang linggo, magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw.

Epektibo alas sais ng umaga, magtataas ng sixty-five centavos sa kada litro ng gasolina ang Petron, Caltex, Shell at Flying V. 55 sentimos naman ang dagdag sa halaga ng diesel at 70 sentimos sa kerosene.

Kaparehong presyo din ang ipapatupad ng Jetti, Phoenix Petroleum, Unioil at Petro Gazz. Ngunit wala namang magiging paggalaw sa halaga ng kerosene.

Ang oil price hike ay dulot pa rin ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Tags: , ,