Presyo ng produktong petrolyo tataas ngayong Linggo

by Erika Endraca | June 24, 2019 (Monday) | 1496

MANILA, Philippines – Nakatakda na namang magkaroon ng oil price hike ngayong Linggo .

Ayon sa mga industry players posible na magkaroon ng 45 to 55 centavos per liter na dagdag presyo sa diesel, 15 to 25 centavos per liter na dagdag sa gasoline at 40 to 50 na dagdag presyo naman sa kada litro ng kerosene   .

Pinapayuhan ng Department of Energy (DOE) ang mga consumer na magpa karga na ngayong araw (June 24) bago ipatupad ang dagdag presyo bukas (June 25).

Ang pagtaas sa presyo ng langis ay bunsod sa paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan .

(Mon Jocson | Untv News)

Tags: ,