Dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo ipatutupad ng mga oil company

by Erika Endraca | July 8, 2019 (Monday) | 141

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga oil companies Ngayong Linggo.

Ayon sa mga industry player, magkaroon ng rollback sa diesel ng 40 centavos per liter. At 35 centavos per liter sa kerosene.

Habang may dagdag presyo naman sa gasoline ng 25 centavos per liter. Tatlong beses nang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo noong nakaraang buwan. Ang dagdag bawas sa presyo ay dikta ng paggalaw ng oil price sa pandaigdigang merkado.

(Mon Jocson | Untv News)

Tags: ,