Presyo ng sibuyas, bumababa na umano kahit wala pang mga imported onions

by Radyo La Verdad | January 12, 2023 (Thursday) | 19168

Nasa 350 hanggang 550 ang presyo ngayon ng sibuyas sa mga pangunahing palengke sa Metro Manila. Noong nakaraang taon ay umabot sa 720 ang presyo nito sa kasagsagan ng holiday season. Pero ngayon ay dumarami na rin ang ani ng mga magsasaka gaya sa Central at Northern Luzon.

Bumaba na rin sa 220 pesos ang halaga kada kilo nang benta ng mga magsasaka.

Ayon sa Department of Agriculture, posibleng ring naging dahilan ng pagbaba ay ang anunsyo ng kagawaran sa pagaangkat ng sibuyas.

‘Yung pagbaba ng presyo sa farm gate price, well one is probably mas maganda na yung ani nila and second is nakita nila na may importation that will also affect yung presyo nila sa bukid,” ani Asec. Kristine Evangelista, Spokesperson, DA.

Nangangamba ngayon ang mga magsasaka lalo na kung masasabay pa ang pagdating ng imported na sibuyas sa panahon na mas marami na silang aanihin.

‘Malaki na po ang ibinaba ng presyo sa farm gate. Naging 220 nlang po ang presyo sa farmgate price. Possible po na hanggang Monday below 200 na ang price sa bukid,” pahayag ni Eric Alvarez

VP, KASAMNE.

Ang pagasa nalang ng Philippine Chamber of Agriculture ang Food Incorporated, huwag lumampas ng Enero ang pagdating nito para hindi labis na maapektuhan ang mga magsasaka. Pero ang problema daw sa sibuyas ay bahagi lang ng mas malaking problema ng kagawaran.

“Onions problem is a symptom of a problem. It’s a symptom of a problem that onions is just telling us an example of what is happen to the different commodities,” ayon kay Danilo Fausto, President, PCAFI.

Kaya hiling ng Chairman ng United Broiler Raisers Association sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magtalaga na ng ibang mamumuno sa ahensya.

Mula ng maging Presidente si Marcos ay siya na rin ang naging kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura.

“Alam mo ang Presidente napakalaki ng problema nya sa Pilipinas hindi lang sa agrikultura. Ang daming concerns, palagi siyang wala sa bansa natin. In fact, dalawang beses palang siya nagpunta sa Department of Agriculture. Dapat mag assign na siya ng permanent sa DA at ‘yung matino,” pahayag ni Gregorio San Diego, Chairman, Egg Board & Ubra.

Rey Pelayo | UNTV News

Tags: , ,