Produktong petrolyo, may big time oil price rollback simula ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 26, 2018 (Tuesday) | 1662

May rollback sa presyo ng mga produkong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula ngayong araw.

Epektibo alas sais ng umaga ay may bawas na piso at labinlimang sentimo sa kada litro ng gasolina ang Petron, Shell, Caltex, Flying V at Seaoil.

19 sentimos naman ang matatapyas sa halaga ng diesel at 85 sentimos sa kerosene.

Kaparehong bawas-presyo rin ang ipatutupad ng Eastern, Phoenix Petroleum, Total at PTT Philippines sa kanilang gasolina at diesel.

Ngunit walang magiging paggalaw sa halaga ng kanilang kerosene.

Ang oil price rollback ay bunga ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa world market; gayundin sa pagtaas ng supply ng langis mula sa mga oil exporting countries.

Tags: , ,