Provincial buses, binigyan ng special permit ng LTFRB para sa long holiday

by Radyo La Verdad | April 9, 2019 (Tuesday) | 6641

METRO MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit dalawang daang aplikasyon para sa special permit ng mga provincial bus para sa long holiday sa susunod na linggo.

Katumabas ito ng dagdag na halos limang daang bus para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong babyahe sa mga probinsya sa bansa.

Epektibo ang special permits mula april 14 hanggang april 22.

Tags: , , ,