Putol-putol na bahagi ng katawan ng isang babae, natagpuan sa Makati

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 3448

CHOP-CHOP
Pasado alas nuebe kagabi ng matagpuan ng mga tauhan ng Makati Police sa loob kaniyang apartment sa Taylo St. Brgy. Pio Del Pilar sa Makati ang putol-putol na katawan ng isang babaeng dalawang araw ng pinaghahanap ng kanyang mga kamag anak.

Kinilala ang biktima na si Rowena Kuo, 47 anyos.

Base sa imbestigasyon ng Makati Police dalawang araw nang hinahanap ng mga anak nito biktima ngunit hindi ito umuwi sa kanilang bahay.

Nang puntahan ng anak nila kagabi sa apartment ng kanyang step father na Taiwanese national na si Yuan Chang Kuo upang hanapin ay dito na niya na natuklasan ang katawan ng kanyang ina na nakatago sa stock room na wala ng ulo at iba pang bahagi.

Agad humingi ang mga ito ng saklolo sa barangay at pulis at naaresto agad ang step father nito na umaming siya ang may kagagawan ng krimen.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives o SOCO sa apartment ng biktima, natagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bahay gaya ng septic tank, mezzanine floor at bodega ng bahay.

Nakita din nila ang isang grinder tool na hinihinalang ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek na sa detention cell ng Makati City na nahaharap sa kasong parricide.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,