Nakikinabang ngayon ang nasa 2 Milyong magsasaka sa benepisyong bigay ng Rice Competitiveness Enhancement Fund na isa sa programang itinataguyod ng Department of Agriculture (DA).
“Malugod naming ini-uulat na sa unang dalawang taon ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law (RTL) ay nadagdagan ang bilang ng ani ng ating mga magsasaka. Nag a-average ngayon sa 400 kilo bawat ektarya o halos walong mga cavan (sa bawat 50 kg bawat isa) ang ating mga ani na katumbas ng karagdagang kita na P7,000 bawat ektarya,” ani Agriculture Secretary William Dar.
Ayon pa kay Dar, ipinapakita rin nito na ang paggamit ng mga certified seeds, makabagong teknolohiya, at mekanismong paghahanda sa pagtatanim ay lubhang nakakatulong sa mga magsasaka upang makapag ani ng mas marami.
Mas kaunti ang ani sa mga tinatawag na home-saved seeds kumpara sa mga gumagamit ng mga certified seeds ayon kay Dr. Dionisio Alvindia, direktor ng DA National Integrated Rice Program.
Sa ilalim ng RCEF, P3-B ang inilalaan bawat taon para sa mga certified inbred seeds samantalang ginagarantyahan naman ng RTL ang taunang pondo na P10 hanggang P60-B para sa 6 na taong pagkolekta ng taripa sa mga inangkat na bigas.
(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)
METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na maihahatid ang tulong para sa mga residenteng naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Aghon.
Ayon kay PBBM, inatasan na nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) na ihatid ang lahat ng tulong at suportang medikal sa mga biktima ng bagyo.
Reresponde rin kaagad aniya ang pamahalaan upang maisaayos ang mga nasirang imprastraktura.
Siniguro rin ni Pangulong Marcos na may nakaantabay pang pondo para sa typhoon-hit areas.
METRO MANILA – Umabot na sa P5.9-B ang naging damage sa agrikultura ng bansa dahil sa patuloy na pag-iral ng El niño phenomenon.
Ayon sa kagawaran ng agrikultura, pinaka-malaki ang naitalang pinsala sa rice sector na umabot na sa P3.1-B na halaga ng pagkalugi.
Kabilang sa mga pinaka-napinsalang rehiyon sa bansa ang Mimaropa, Cordillera Administrative Region, at Western Visayas.
Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, nakatulong sa pagpapagaan ng mga epekto ng El niño ang maagang pagpaplano, rehabilitasyon at mitigation measures ng kagawaran, partikular na ang sa National Irrigation Administration (NIA).
METRO MANILA – Inanunsyo ng Malacañang kahapon (April 16) na maaari ng makabili ang mga residente ng Metro Manila ng P39/kg. na bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo (KNP) stores sa mga piling syudad sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Presidential Communications Secretary Cheloy Gerafil, hindi lang murang bigas ang mabibili sa KNP stores, mayroon ding mga prutas at gulay.
Ngayong araw (April 17), bukas ang KNP stalls sa employees park sa Taguig City hall, people’s park along McArthur highway sa Malinta, Valenzuela City; at Manila City hall inner court.
Maaari namang bisitahin ang official Facebook page ng Department of Agriculture (DA) para sa iba pang schedule at venue ng KNP stores.
Tags: bigas, DA, KNP Stores