Regional Director ng NTC, pinapakasuhan ng Ombudsman

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 958

rose_ombudsman
Pinapakasuhan ng Office of the Ombudsman si National Telecommunications Commission Regional Director Ismael Cabural ng graft sa Sandiganbayan.

Kaugnay ito ng umanoy pagsolicit ni Cabural ng 550 thousand pesos sa isang radio station sa tampakan, South Cotobato noong 2013 para maisyuhan ito ng permit.

Sa naging imbestigasyon ng NTC noong 2014, iligal aniya ang naging operasyon ng radio station at hindi otorisado si Cabural na magisyu ng permit.

Hindi rin kinatigan ng Ombudsman ang paliwanag ni Cabural na napeke lamang ang kanyang mga pirma sa permit.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,