Report ng BOI sa Mamasapano Clash, isusumite ngayong araw

by monaliza | March 12, 2015 (Thursday) | 936

MAGALONG_031215

Ngayong araw nakatakdang isumite ng board of inquiry (BOI) ang kanilang report kaugnay sa kanilang imbestigasyon sa madugong labanan sa mamasapano, maguindanao na ikinamatay ng 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF).

Itinakda ngayong araw ng Huwebes ang pagsumite ng BOI ng kanilang ulat na inaabangan ngayon ng publiko

Noong Lunes, hiniling ni BOI Chairman Police Director Benjamin Magalong kay PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina ang tatlong araw na extention dahil isinasapinal pa nila ang nasabing report.

Sinigurado naman ni Magalong, na patas ang resulta ng kanilang isinagawang fact-finding mission at sinabing sinagot ng kanilang imbestigasyon ang mga katanungan na nais masagot ng lahat.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , , , , , , ,