Sen. de Lima, tinanggalan ng Senado ng security personnel mula sa Office of the Senate Sergeant-at-Arms

by Radyo La Verdad | March 2, 2017 (Thursday) | 1482


Tinanggalan na ng security personnel mula sa Office of the Senate Sergeant at Arms si Senator Leila de Lima na naka-detain sa PNP Custodial Center.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, hindi na pinapayagang makapasok sa PNP Custodial Center ang mga itinalagang security sa kanya mula sa Senado.

Sinabi ni Pimentel na pinag-aaralan pa kung ano ang maaring gawin nilang arrangement sa PNP para mabigyang seguridad si de Lima.

Samantala, sinabi ni Pimentel na sa kabila na nakakulong si de Lima ay maaari pa rin nitong gampanan ang kanyang trabaho bilang senador.

Tags: , , ,