Sen. Miriam Defensor-Santiago, nakatakda nang ilipat sa isang private room mula sa ICU ng Makati Medical Center

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 15199

SEN.SANTIAGO
Patuloy na bumubuti ang kondisyon ni Senator Miriam Defensor Santiago matapos itong isugod sa Makati Medical Center noong Lunes

Batay sa post sa Twitter account ni Santiago, nakatakda nang ilipat ang senadora sa isang private room ng ospital mula sa Intensive Care Unit.

Nagpasalamat din ang senadora sa mga nagdarasal para sa kanyang agarang paggaling.

Isinugod si Santiago sa ospital noong Lunes dahil sa komplikasyon dulot ng kanyang kanser sa baga at Martes nang inilipat ito sa ICU ng pagamutan.

Tags: , , ,