Senator JV Ejercito, hiniling sa Sandiganbayan na makalabas ng bansa

by Radyo La Verdad | March 15, 2017 (Wednesday) | 4240


Isang urgent motion to travel ang hiniling ni Senador JV Ejercito sa Sandiganbayan upang makabiyahe papuntang France at Italy.

Ito ay upang samahan ang kanyang ina na si San Juan Mayor Guia Gomez na makabisita sa Lourdes Town at sa Vatican City sa 75th birthday nito.

Labing anim na araw ang hinihiling ni Ejercito mula March 28 hanggang April 12.

Sinabi pa ni Ejercito sa kanyang mosyon na nais rin niyang mabisita ang mga OFW sa mga naturang bansa.

Si Ejercito ay nahaharap sa kasong technical malversation sa Sandiganbayan kaugnay ng maanomalyang pagbili ng mga high-powered firearms na nagkakahalaga ng 2.1million noong 2008.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,