Serye ng Cavs vs Bulls, tabla na matapos ang buzzer-beating jumper ni Lebron James

by dennis | May 11, 2015 (Monday) | 3433
Photo credit: Reuters

Photo credit: Reuters

Isang baseline buzzer beating jumper ang itinikada ni Lebron James mula sa baseline para talunin ng Cleveland Cavaliers ang Chicago Bulls sa score na 86-84 sa Game 4 ng Eastern Conference semifinals.

Nagtala si James ng 25 points, 14 rebounds at walong assists at nakuha muli ng Cavs ang homecourt advantage matapos itabla ang serye sa 2-2 at babalik sila sa Cleveland para sa Game 5.

Dinumog ng kanyang mga teammate si Lebron matapos nitong maikonekta ang buzzer-beating jumper, 21 feet mula sa kaliwang baseline.

Ito ang ikalawang sunod na buzzer beating shot sa serye na ito kung saan noong Game 3, naikonekta naman ni Derrick Rose ang bank shot mula sa three point area para talunin ang Cavs 99-96.

Pinangunahan naman ni Rose ang Bulls sa kanyang 31 points at apat na assist habang nagdagdag naman si Jimmy Butler ng 19 points at walong puntos at 15 rebounds naman mula kay center Joakim Noah.

Tags: , , ,