Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong Agosto

by Radyo La Verdad | August 9, 2022 (Tuesday) | 6067

METRO MANILA – Bababa ang singil ng Meralco sa kuryente ngayong buwan.

Halos P0.21 kada kilowatt hour ang makakaltas sa Meralco bill ng mga residential customer.

Katumbas ito ng P42 na kaltas sa bill para sa mga residential customer na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour.

P65 naman sa mga kumukonsumo ng 300 kilowatt hour, P89 sa 400 kilowatt hour, at P117 kapag 500 kilowatt hour ang nagagamit na kuryente.

Ayon sa Meralco, ang bawas-singil sa kuryente ay dahil sa pagbaba ng generation charge.

Samantala posibleng tumagal pa ang rollback sa presyo ng langis, ayon sa Department of Energy (DOE).

Bunsod ito ng pagbaba ng economic activities sa iba’t ibang bansa dahilan ng pagkaroon ng sobrang supply ng langis.

Ito na ang ika-6 ng magkakasunod na Linggo ng bawas-presyo sa langis.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: ,